Hihiramin ba ang lumbay ng umaga kung sa krimen ng kahapon ay wala ka
Kahapong sinlapit ng nakalimot na gabi sa isang bulag na pagkakasala
Ang hakbang ba’y pabalik sa kalawakang bubog na may dantay ng lason
Lasong taksil sa pawis at luha
Aalayan ba ng rosal ang libingan ng mga buhay na bihag
Bihag at alipin na di na ma-amoy ang hiwaga ng pulang rehas
Mananatili bang itim ang belong burada ng ala-ala
Itim pa ba ang tema ng iyong dalangin
Sira na ang biyulin at pigtas na ang lubid ng duyan
Ngunit tila ang duyan parin ang kanlungan ng iyong tulirong damdamin
Anong kasabay ng iyong paos na himig
Himig ng iyong hikbing hanap ang mga punit na guhit ng byulin
Halika’t baybayin nating ang bangungot: tapang na tapakan ang mga bubog
Tumayo ka’t Ako at ako ay may paroroonan
Pulutin mo ang lubid na hinahagkan na nang giniginaw na lupa
Sa sapang dilaw doon lahat tayo’y magkita-kita
Di ba’t sa kahariang dagat ang hantungan ng bawat butil ng tubig
Libingnang may sumpa’t pangako nang muling pagkabuhay
Na ang tabang na tubig ay lilipas sa alat ng karagatan
Tubig at tubig, tubig din ang kalalagyan
Arok nawa ang pangitaing may bukadkad ng rosal at tiklop ng belo
Ang pagsunog sa lubid at paglimot sa biyulin
Anong lason man ang pumatay sa iyong maikling kasaysayan
Hiramin mo’t angkinin ang lumbay ng umaga